Halalan Sagala 2022

Sa episode 8 ng Ang Paglalakbay ni Madam Tseter sa Kumuniverse ay naghahanda si Madam Tseter bilang hermana sa Kumu Sagala kasama ang hermano at debate tutor niyang si Senator Bongyow.

Ilabas na ang arko, kandila, mosiko, gown, barong, korona (not the virus), bulaklak at pinakamahihirap na tanong sa debate dahil ito ang pangkalawakang campaign ng susunod na president na si Madam Tseter na sagot sa problema ng bayan forevermore! Big pik-pak-boom ending na virtual sagala kasama ang Team Ampalaya at Euphoria Family:

Aldo Vencilao

Angel Ekkie

Carla Lumabao

Emmanuel Feliciano

Jay-ar Dorado

Joshua Arevalo

Marlon Mallari Malonzo

Mon Lacson

Rai Dela cruz

Richie Bondoc

28 May, Friday, 8:00 p.m. Kumu @ampalayamonologues

Parlor Games sa Parlor

Sa episode 7 ng Ang Paglalakbay ni Madam Tseter sa Kumuniverse ay tatahakin nila Madam Tseter at Aldo Glenn Vencilao ang landas ng game master at games sa Kumu. Makisali sa laro nila sa PARLOR GAMES SA PARLOR! Pwedeng magbalot ng handang lechon bago umuwi.

Friday, 8pm at Kumu Ampalaya Monologues

SDEA On-Demand Presentation

Experienced another different format of an international conference! On-demand presentation na tayo o! Parang tv series lang. hahaha.

Salamat sa inspirasiyon mula sa VLF lockdown edition sa kanilang paggamit ng “KAPIT”. Nagamit ang kapit para mapakita ang gaps, possibilities, at innovations (di ko na ma-Tagalog) sa community, pedagogy, at performance making sa panahon ng viral videos at nakamamatay na virus.

Iginapang ang paper presentation na ito habang nagre-recover ako sa virus. Ahuhuhu. Ang hirap po, opo. Hindi pantay ang resources at nakakaapekto rin ang pandemic response ng mga gobyerno sa ganitong mga conference, ano po.

Maaari pong mag-purchase ng conference pass dito: https://www.sdea-tac.org/

Kasama rin sa conference ang Team ADMU nina Laura Cabochan! Go go go!

P.S. Nakaka-miss ang palipat-lipat na venue para sa conference na parang mga klase lang sa College pero dito sa conference ay unlimited kain ng kung anek-anek na tinapay, cheese, prutas, gulay at kung ano-anong dip na basta sinasawsawan ko na lang. Wala rin akong conference bag, pamaypay, notebook, ballpen at ID. Mababaw lang naman po ang gusto naming souvenir!!!! Tsaka yung pasyal eh. Akala ko makikita ko ulit ang Merlion at NUS.