MonoVlog at the Bodies:On:Live Magdalena:On:Line 2021 Festival

Tried for the first time to adapt and perform the MonoVlog on Zoom for an international audience at The Magdalena Project’s Bodies:On:Live Magdalena:On:Line 2021. Learned that the most powerful buttons were the mute and unmute buttons. Ibang creature talaga ang Zoom.

Thank you for the wonderful comments from all the participants! Thank you, Elizabeth De Roza, Janaina, Helen, and the Magdalena Team for creating this space and for all your hard work!

Humbled to present in a panel with Frederika Tsai and Bettina Fung. They are awesome! You may Google their works or go to the Magdalena website.

Salamat sa Pinoy friends, John Carlo Pagunaling and James Harvey Estrada!!

Layeta Pinzon Bucoy, from Australia to the world. English-english tayo. Na-translate pa sa Spanish na alam kong naiintindihan mo rin. Pwede na siguro tayo magBIGO LIVE. 😂

Let’s help the Magdalena community grow by donating to https://paypal.me/bodiesonlive

P. S. may LED lights na po tayo sa canopy!

Spotlight: Laff Trip

Balik po ako sa biggest channel sa Kumu. Lezzgo! Semi-rehearsal na rin for UK festival.

Sa special Spotlight episode ng Laff Trip ay magtuturo si Madam Tseter at ang kanyang other half na si MananangGAL Gadot ng voice acting for halimaw upang magmistulang hunyango kayo sa anime, audio stream o Radyo Romansa. Lumabas na sa anino ng gabi, magpahid na ng langis, patulisin na ang mga pangil, at magvocalize na gamit ang mala-sinulid na dila. Ang pagtatawas ay magsisimula ng 9pm sa 22 June (Tue) sa Kumu Spotlight Channel.

Tresesiete: Madam Tseter Made Me Do It

Pagpag pag Friday. Minsan di ko alam naiisip ko. Takot din ako sa thoughts ko. 😂🤣

Sa episode 11 ng Ang Paglalakbay ni Madam Tseter sa Kumuniverse ay gagawa si Madam ng review ng Pinoy animated series na “Tresesiete: Madam Tseter Made Me Do It” at ipipilit niya ang kanyang mga ideya para sa season 2 nito. Pag-uusapan natin ang aswang, bawang, at mambabarang. Welcome to the DIASbolical!Ang sapi ay magsisimula ng 8pm, 18 June (Fri) sa Kumu Ampalaya Monologues.

IACSS: Surviving Critical Conditions: Filipinos Putting Up a Fight amidst Pandemonium over a Global Pandemic

We created a Pinoy panel entitled “Surviving Critical Conditions: Filipinos Putting Up a Fight amidst Pandemonium over a Global Pandemic” for the Inter-Asia Cultural Studies Society Conference 2021: Culture in the Pandemic Age in Singapore.

Against All Odds: Philippine Performances of Lives in Lockdown during a Global Pandemic by Oscar Tantoco Serquiña, Jr.

MonoVlog as a Protest from Home Movement by Olivia Kristine D. Nieto

#MassTestingNowPH as Site of Digital Citizenship and Deliberative Democracy: The New Normal for Philippine Social Movements by Charles Erize P. Ladia

Philippine Protestant churches’ Rhetorical Performances in Response to Covid-19 by Junesse Crisostomo

Grateful for the opportunity to work with colleagues from the UP Department of Speech Communication and Theatre Arts (DSCTA). Coincidentally, we are all former fellows of the Asian Graduate Student Fellowship at the Asia Research Institute (ARI) of the National University of Singapore (NUS). Lahat din kami fan ng bakuna. Akalain mo yun?

Salamat, Oscar Tantoco Serquiña for leading this panel! Salamat din, Charles Erize Ladia and Junesse Crisostomo sa comments, tawanan, cramming, chikahan, at health tips. Buy 1 take 3 po kami sa publication sana. Sana rin magtuluy-tuloy at lumaki pa ang ganitong writing group sa department.

The deadline for registration is on 16 July 2021. You may register here: https://bit.ly/3gDmlRv

RADYO ROMANSA: Sinungaling Mong Puso

UP NIGHT! Sa episode 10 ng Ang Paglalakbay ni Madam Tseter sa Kumuniverse ay gugunitain ni Madam ang Araw ng Kalayaan sa lahat ng hugis. Hukayin at palayain ang hugot sa RADYO ROMANSA PRESENTS ANG SINUNGALING MONG PUSO kasama ang mga kaibigan ni Madam sa tseter sa UP:

@keishapaulo@joshuacadelina@liwaygabo@sarinasasaki@andrxmgl@quinjett@coconatcracker@cinderellamayo@hazelmaranan@johnfredmarc@avasantos

Mapagpalayang pag-ibig sa inyong lahat sa 11 June, Friday, 8pm sa Ampalaya Monologues.

MananangGAL GADOT (MPAU)

I commissioned artist Malayo Pa Ang Umaga (fan niya ko dati pa!) to interpret MananangGAL GADOT, the resident mananaggal acting titser and MonoVlogger in Kumu. Di ba pag sa Zoom mukha tayo lahat manananggal performers? Ito yung character na nagtuturo kung paano gamitin ang buong body online. Grabe yung detalye ng bituka, monoVlogger talaga. Si Alejandro (bungo) ay may special appearance din. Hahaha. Ang manager ko po sa Kumu ay si Dr. Layeta Pinzon Bucoy. Gusto ko lang banggitin kasi siya talaga nagturo sakin. Paki tag si Sir Budjette, baka naman pwede isama sa Trese. Nahihiya akong i-tag siya kahit FB friends kami. Haha. Paki tag din si Gal Gadot.

Levitate!

Sa episode 9 ng Ang Paglalakbay ni Madam Tseter sa Kumuniverse ay pasan ni Madam ang buong daigdig kaya’t nagpatulong siya sa kanyang Levitate! Guru (@ericvdelacruz) para palutangin ang kanyang worries, duda, social climbers, bashers, at kung anu-ano pang nagpapabigat sa kanya. Maghanda para sa isang sensorial path to levitation!

Seasons of Love: Umaaraw, Umuulan, Climate Change na ‘yan

Pagpag muna bago lumipad ng Check Republic!

Sa episode 12 ng Ang Paglalakbay ni Madam Tseter sa Kumuniverse ay susuungin at lulusungin niya ang anumang panahon para maabot ang bawat Kumuzen. Ihanda na ang bathing suit, payong, ihaw-ihaw, salbabida, bota, ukay-ukay winter things, spring chicken, at diamond shower sa Seasons of Love: Umaaraw, Umuulan, Climate Change na ‘yan.

Ang pasma ay magsisimula ng 8pm, 25 June (Fri) sa Kumu Ampalaya Monologues.

P. S. Ang saya ng TAC posters ni Madam Tseter! Salamat, Ninong Mark Ghosn!