Remote Learning: Week 3

No synchronous class pero bukas at recorded ang Zoom para sa learner-to-learner interaction. Aba sila-sila naman mag-usap. Collab ang theatre practice, dapat collab din sa klase ang discussion. Nagtitser din ako para matuto ano. Hahaha.N

akakatuwa lang din sila kasi para silang yung mga kapatid mong naglalaro ng titser-titseran. Nakakakuha ka ng insights kung paano sila mag-aral, gaano karaming oras ang binibigay nila sa pagbabasa, paano nila naiintindihan ang mga konsepto, minsan paano nila kinokontra at sinasagot ang sarili nila, at minsan paano nakakatulong ang pagtuturo para naa-assess mo sarili mo kung naiintindihan mo ba talaga ang pinagsasabi mo.

Tapos nagtatanong ako sa kanila para tulungan silang sagutin yung sarili nilang mga tanong. Sinusuportahan ko ang idea nila ng iba ko rin idea. Nakakatuwa rin na nagpapasok sila ng mga natutunan sa ibang klase nila para i-relate sa theatre and performance.

Pinakamasaya ako pag nababanggit nila na, “Akala ko dati ito lang yun tapos binasag/winasak/iniba nung binasa/napanuod/nalaman ko ito.”

Nakakapagod pa rin magsalita na hindi mo makita mukha nila kung gets nila. Nakakatulong ang mga “reaction” sa Zoom frame para nakikita ko kung nakikinig pa sila. Ako naman laging nakabukas ang camera para may mukha silang makita. Nakaka-conscious lang kasi vlogging na teaching. Nakakatulong na magsuklay at magdamit na pang-alis para lang maiba naman ang araw mo.

Okay ang set-up na ganito pag maliit ang klase. Kapag marami na kailangan na ng breakout rooms pero sana kayanin ng WIFI.

Sa totoo lang, hindi ko alam paano kung mobile data pa rin ang gamit ko. Walang ganitong privilege na nakakapag-Zoom, Canva, Google Classroom, Jamboard, etc. Totoo ang FOMO sa mga walang access sa maayos sa internet. Yan ang buhay ko 2 months ago. May notebook ako para sa budget ng mobile data. Ako ang theatre coordinator noon tapos may 2 tao akong tinturuan para ireport ang report ko sa panahong madidisconnect ako. Nakiki-WIFI din ako sa friends para lang makapagpatakbo ng orientation, meetings, at hiring ng faculty. Kaloka.

Also, doble na ang bill ko sa Meralco. UPD, beke nemen.

image: The Guardian

P.S. Greek chorus ang virtual background this week dahil sa topic namin sa Theatre History. Yang pa-costume ginagawa ko lang yan before and after class kasi trip ko lang. Sana pag F2F na may pa-ganito pa rin. Hirap lang i-commute ng costume and props.

Remote Learning: Week 2.2

may allergies pero gumising para sa 8:30 class.

natutunan ko sa UPD OAT TEC na ang pa-warm-up ay Just Dance. Di ko alam kung sumayaw sila pero pag nakapatay camera ko sumasayaw ako para magising. ANG AGAAAA! 8:30.a.m. class kung kailan may dumadaan na taho. huhuhuhu. hindi ko matawag yung magtataho. tapos enter basura truck sa gate. Eh may magandang pa-music ang basura truck namin sa Pasig so may libreng pa-music.

kanina, nag-hang na 1 sec ang WIFI or laptop ko. so nawala virtual background ko at nakita ang #KALAT2020 ko sa bahay. hahahaha.

nakakaloka rin pala ang CANVA. akala ko pag na-convert na to powerpoint kapareho talaga ang itsura. may ibang mga letter na naka-all caps na hindi naman dapat. weird. pag naka-share screen din sa Zoom, tapos hindi kasya sa frame, naiiba rin istura ng powerpoint. pangit. so need ko magrehearse ng materials ulit.

masaya din ang Google Jamboard para sa mga introvert na ayaw magsalita, nakikita ko rin thoughts nila.

crucial ang 2nd week kasi after ng intro at chika-chika sa first week, sineset-up ko na sila for independent study para sa mga susunod na linggo puro consultations at sumasagot na lang ng questions sa lahat ng digital platforms.

kakaibang feeling ang pagturo ng theatre and performance ngayon. yung walang trabaho, walang palabas. in-update lahat ng materials for theatre history and intro to theatre and performance classes. yung mga tanong nila, tanong din ang sagot ko pabalik. sabi ko pagtulungan namin sagutin ang mga tanong nila. ang hirap isipin nung mga tanong katulad ng livestreaming ng pre-recorded video tapos mawawala ng 48 hours; nagdivide na department para makabuo ng theatre studies dati tapos ngayon ay may mga nagsasarang theatre program ng mga university; broadcasting and liveness; usapang space ng work from home, or living at work. mabuti na may mga student from masscomm, polsci, speech comm, atbp courses na maaaring magcontribute sa mga klaseng ito. mabuti rin na ang theatre majors ay marunong magtuhog ng lecture mula sa ibang klase sa mga klase namin.

Namimiss ko na rin libreng pa-aircon ng UPD. Pamantasang Hirang, beke nemen.

may mga nagme-message para makasama sa klase. malapit na po namin i-share ang ibang klase namin sa publiko. abangan sa October-November.

Friday na. makakatulog na kami ulit nang maayos at makakabalik sa sariling research at creative work.

Remote Learning: Week 2.1

May pa-Remote Learning Karaoke 10 minutes before the class starts. Pang-test ng mic. Ang mga kanta ay STOP ng Spice Girls, at AS LONG AS YOU LOVE ME ng Backstreet Boys. Bakit ba. haha. Next time, live performers na. Sana matuloy kasi pumayag na sila. hahahaha. I love my friends. hahaha.

Hindi sapat ang 1 1/2 hours para mapakinggan ang isa’t isa so naka-depend ako sa Google Jamboard namin at sa posts sa teacher (troll) FB account ko.

I have to record my lecture para sa mga hindi aabot ang WIFI at mga kailangan na mag-prepare sa susunod na klase. Pandagdag lang itong video sa course pack na binigay ko. Sa susunod, ipapasa na nila ang presentation nila an hour before the class starts para mabasa na ng lahat at makatipid sa oras.

Siniksik ko ang mukha ko sa Powerpoint para mukhang TED Talk lang or morning show. Ganyan.

2 klase na may pagitan na 1 1/2 oras pero ubos na naman ako. Ngayon palang kakainin ng lunch. Ang layo na ng NISMED canteen sa bahay ko. Asan na ang mga naglalako ng taho, tinapay at banana cue na pamatid-ulcer?

Naisip ko rin, dapat pala lahat ng dapat isaing at palambuting karne ay ginagawa habang nagkaklase para maka-save ng oras.

Sinubukan ko rin ang magpabukas ng mic sa mga student. Okay lang naman pero iba ang concentration skills nila ah. Naririnig ko yung lecture ng teacher at recitation ng kapatid nilang student sa kabilang Zoom class.

We introduced a new course this semester… Theatre 123: Issues in Theatre and Events Management. Mahirap siya ituro dahil kailangan tutok sa student dahil case study ang aaralin at gagawin. Diagnostic namin today. May mga pasabog na presentation, may mga problemang natumbok, at may mga problemang dapat problema ng iba na pinoproblema ng ating mga arts/cultural/creative manager. Bakit ba pinapatay natin sila sa trabaho at bakit ba tanggap sila nang tanggap ng trabaho na hindi naman sa kanila? Parang lahat ng SM/PM na kakilala ko, mabait at parang madali lang magsolusyon ng problema at chill. Hahahaha. Yan yung mga sosolusyonan namin at hopefully ma-integrate na sa practice or sa generation nila makapagtayo ng union.

Sa October na kami ulit magkikita pero sa pagitan nito ay sangkatutak na consultations. Mas ma-effort ang remote learning. Ito yata ang ikatatanda ko. hahahaha.

Ang hirap mag-share ng food. 1 kilo of milk chocolate raisins. Ako lang umuubos. So ininggit ko nang ininggit ang students ko.

Kung may murphy bed, may murphy desk ba? Kasi isang buong ritwal ag pagset up sa Zoom. Maliit lang bahay ko tapos priority ko space for hula hoop-ing. Hahaha.

Pinakahuli, naalala ko na nung may desk job pa ako, masakit ang wrist ko atbp joints sa kaka-type at kakaupo lang. Tapos super dry eyes dahil nakatutok sa screen. Nararanasan niyo rin ba or ganito talaga pag tumatanda????!!

P.S. Masaya pala ituro ang 123 kasi tawa kami nang tawa ni Ysh sa dami naming nadidiscover.

Remote Learning: Week 1.2

Day 2 of Remote Learning.

natutunan ko sa junior faculty members namin na magpa-house music habang naghihintay sa ibang student. may pa-fade out pa ako pag magsasalita na ako. mariah, lady gaga, ben & ben x gary v ngayon ang playlist. pang-test na rin ng mic ko yan.

every class is a performance and every performance is a class. ano raw? haha. so pagka-fade out ng music, kunwari bumibili ako ng pancit canton at siomai sa UP kiosk. guys, ito na yung tropang trumpo/bubble gang at pinoy sitcom dream ko. baduy all the way! maganda rin na ang background ay UPD dahil okay siyang intro ng campus at buhay-campus lalo na sa freshies. di ko na rin kailangan maglinis ng kalat sa background ko.

medyo relaxed na ako magsalita at hindi sumisigaw pero lost pa rin kasi walang ka-eye contact sa mga student.

8:30 a.m. class. pumayag ako kasi akala ko hindi magmi-meet sa oras na yan.. but noooo.. hahahaha. 25 students in 1 class… umabot ng 2 pages ang Zoom frames ko eh… naawa sa mga batang walang units.

naalala kong dapat gumamit ng LAN cable para mas mabilis ang internet.

importanteng may sayaw at hula hoop sa pagitan ng klase habang wala pang student. naglakad-lakad din ako sa balcony.

ubos din ang energy after ng 2 magkasunod na klase so power nap lang lagi. kahit nung nasa UPD, ginagawa ko yan.

pagod na rin mukha at mata ko sa laptop screen at ring light. arte kasi nung titser. pa-ring light pa.

mahirap mag-memorize ng names kasi gumagalaw ang Zoom frames. Zoom, baka naman pwede ang seating plan feature. mas mamememorize ko pa ang mukha at background kaysa pangalan.

ang hilig dumaan ng mga magulang at grandparents sa Zoom pero yung pasilip lang lagi. uzi sa klase. ganyan. kung ako sa inyo, parents, magsit in na kayo para may ka-reading group ang anak niyo.

may mga batang naglo-load ng internet para lang talaga makapiling ang titser at kaklase. ito ang tunay na FOMO at nakakalungkot siya. sana may listahan din tayo ng number ng mga student na naka-mobile data lang at pasahan natin ng data. ginagawa ko ito for SMART users dati. kahit pang-download lang nila at quick na google ng mga bagay-bagay.

ang dami ring klase ng student na kailangang mag-adjust ng paraan ang titser para magka-access sila sa materials: student na walang internet, student na walang internet at smartphone lang gamit, student na may internet pero smartphone lang gamit, student na metered ang internet (kaya mas siksik ang speech mo, at nakapatay ang videos at nakamute lahat bilang tulong sa student na ito).

siguro ang saya mag-TEC ngayon sa UP OAT kasi maisasama na best practices ng remote learning.

pahinga muna tapos magsit in sa MA class.

di ko na alam. nung sinabi kong gusto ko magviral videos ko, hindi ito ang nasa utak ko. bwahahahaha!

P.S. Photo mula sa upinsider.wordpress.com

Remote Learning: Week 1.1

First Day of Classes, live sa white sands ng Manila Bay. Ilaban po natin today.

1 hour palang sa Zoom class, sumusuko na ako. Hindi ako makalakad at maka-pwesto sa likod ng mga student para nagigising sila.

Hirap ng share screen sa Zoom. Ipauso ang overhead projector sa Zoom para slide lang nang slide ng docs at magamit ang acetate ng face mask.

Meron bang silent electric fan?!! Nakapatay lahat ng fan namin at paypay nang paypay student. Zoom, baka naman kaya kunin ang noise profile ng electric fan para ma-cancel out na.

Maygad. Hindi ko alam kung funny pa rin ako sa klase kasi naka-mute sila lahat.

Pa-MonoVlog na ang peg ko kasi nag-o-overcompensate na lang ako sa gestures at voice projection para lang maramdaman nila ang presence!

Parang Juan for All, All for Juan lang ng Eat Bulaga kasi kung saan-saang barangay galing mga student. May fiesta pa sa Pampanga.

Mas kita ko microexpression nila. Mukhang gutom na sila lahat. Guys, pwedeng-pwede kumain sa klase ko kasi nasa kusina ka lang naman. The temptation is real.

May na-late. Late daw nag-dismiss ang teacher sa naunang klase. May rule pa rin na i-dismiss ang klase 5 minutes bago matapos ang klase di ba? Mag-ikot jeep pa po sila, naunang teacher. Please dismiss them early. Bwahahaha!

So tumatawag yung Lazada at yung inorder kong Siomai sa gitna ng klase. Naghintay sila hanggang matapos naman klase ko.

Ang pagba-bye namin sa class ay pagsabi ng ulam nila ngayong tanghalian.

May 2:30 class pa. Lunch break.