Levitate!

Sa episode 9 ng Ang Paglalakbay ni Madam Tseter sa Kumuniverse ay pasan ni Madam ang buong daigdig kaya’t nagpatulong siya sa kanyang Levitate! Guru (@ericvdelacruz) para palutangin ang kanyang worries, duda, social climbers, bashers, at kung anu-ano pang nagpapabigat sa kanya. Maghanda para sa isang sensorial path to levitation!

Halalan Fiesta

Sa episode 4 ng Ang Paglalakbay ni Madam Tseter sa Kumuniverse ay nagka-campaign si Madam Tseter at need niya ng diamonds (dias). Nagdesisyon ang KUMULEK na ang champion sa dias ang idedeklarang President of the Kumuniverse. Kilalanin ang kanyang running mate at campaign manager na tutulong sa kanyang buuin ang kanyang campaign speech, ads, jingles, get get aw, at promises forevermore.

Kumuzens, i-ready na ang pa-lechon, halo-halo, iskrambol, pulang kabayo para sa HALALAN FIESTA 2022!

6:00pm mamaya sa Kumu Ampalaya Monologues!

P. S. Salamat sa aking poster department na si Mark Ghosn! Solo lang siya sa department!

Madam Tseter Ep 3: Kumu VG Storytelling

Sa episode 3 ng Ang Paglalakbay ni Madam Tseter ay ikukwento ni Madam ang Alamat ng Kumu virtual gifts sa iba’t ibang paraan:

Brainstorming with da bossings (negosyo side)

Si Karlitong Manhid (interactive pambatang kwento)

Ang Tahanan ng Yamashita’s Gold (takutan)

Final Walk as Ms. Kumuniverse (ganda lang ang puhunan)

Ang Awit ng Ibong Adarna (ihanda ang labaha, pitong dayap at gintong sintas)

@ulebnieto | Tue 6:00 PM sa Team Ampalaya Channel 💚