
Walang week 4 dahil may problema sa internet connection ng mga bagets pero ang totoong interruption ay nangyari sakin for 20-30 seconds during class. Ako na nag-invest na sa LAN cable, UPS, at mas mataas ng internet speed para lang hindi magkaproblema sa synchronous classes. Sabi lang ng mga student, “Welcome to manila, ma’am.” Tawang-tawa ako na nakakalungkot. Awang-awa rin sa student kanina na labas-pasok sa Zoom meeting dahil nawawala connection. Naka-record lahat ng session para walang ma-miss out sa discussion ang mga bagets.Yun lang sana kayanin pa rin ng internet nila ang panunuod. May kasama pang PDF format ng visuals.
5 minutes bago mag-start ang klase, may panahon para magkamustahan sa mga early birds. So kinamusta ko sila via live typing sa Word. Naka-on ang mic ng mga gusto sumagot. o di ba, kunwari poem. May app ba para live din silang sumagot kung gusto nilang mag-type?
Na-realize ko rin na nung pumapasok pa ako noon sa UP ay puro pambahay ang suot ko kasi mahirap pumorma pag sumasakay sa harap ng jeep. Ngayon namang online ang klase, lahat ng damit kong pang-alis na maganda, yun ang nasusuot ko tapos pambahay ko na rin para tipid sa labada.
Nakaka-drain ang 1 1/2 hours na klase. in between classes kumakain ako or nagpa-powernap. Tapos naka-alarm ng 3 beses ang phone ko para magising ulit. During class din ay nagsasaing na ako para makatipid sa oras tapos makakain agad after ng klase. Ako lahat eh. Wala na yung food sa tapsilog sa Rodic’s, pork giniling sa NISMED, LOD ng Choco Kiss, at liempo ng Art Circle. Kainis. Nagtitiis ako sa luto ko.