Remote Learning: Week 6

Powering through my classes this week with my weapons and rituals during performances. Kasama ang pag-inom ng tsaa, pagbalot ng scarf sa neck, pahid ng katinko, vocal rest, power naps, brand’s essence of chicken, berocca, antihistsamine, etc. Kulang na lang ay festival para kay Dionysus para matapos ko ang sentences ko bago umubo. Diz weder weel keeel meeeee!!!

Sa klase, tinadtad ko na sila sa examples para mas mabilis na lang nila makuha ang lecture pagkatapos. Tapos sila naman magbibigay ng examples. Ang tunay na madugo bukod sa synch classes ay ang consultation kasi excited ang mga bagets sa analysis nila ng module so iba-iba pa ng idea yan. Di ka naman makapag-vocal rest kasi excited ka na rin na tulungan sila mag-frame ng kanilang papel.

Mas malumanay at dahan-dahan ako magsalita pag may sakit. I like the timpla pero daig ko pa ang kumakahol na aso sa background.

Ang mode din ng mga papel ay work in progress lahat. So kung magpasa sila sa sinet na deadline, may grade na sila at may basehan na rin ako kung naiintindihan nila ang mga module. Sa end of semester kung gusto nila magpasa ng papel pwede naman kaso hindi sila maaalalayan sa pag-develop nito. Sayang.

May mga nagtatanong na rin kung saan ko nakukuha ang designs ng presentations ko. Magic lang ng Canva yan and a lot of puyat kaya ayan nagkasakit.

Halos kalahati na ng sem. Magpahinga naman tayo. Hindi tayo aabot ng second sem kung push tayo nang push. Creativity over productivity tayo dapat para hindi maubos. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s